Kaso ng polio umakyat na sa 16: bagong kaso nairekord sa QC, Mindanao

UMAKYAT na sa 16 ang mga kaso ng polio sa bansa matapos namang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng apat na bagong kaso simula nang magdeklara ng outbreak noong Setyembre 2019.

Dalawang bagong kaso ang naitala sa Maguindanao, kapwa lalaki na may edad dalawa at tatlo, ayon na rin sa rekors ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

Idinagdag ng DOH na isang dalawang-anyos na lalaki mula sa Sultan Kudarat at tatlong-anyos sa Quezon City ang dalawa pang bagong kaso ng polio.

Nakaranas ang mga bata ng lagnat, diarrhea, pananakit ng kasu-kasuan, asymmetric ascending paralysis, at weakness ng extremities.

Dahil dito, muling nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak sa pamamagitan ng Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP).

“I urge all parents and caregivers of children under five years old to take part in the coming SPKP campaign rounds scheduled in your respective areas. Have your children, including those with private physicians or pediatricians, vaccinated with oral polio vaccine by health workers and ‘bakunators’. Additional polio doses can provide additional protection to your children,” sabi Duque.

Read more...