SIR CHIEF matindi pa rin ang kamandag sa matrona; Naghahanda na sa mas madramang teleserye

BUTUAN City – Maraming nagtatanong sa amin kung may presscon (para sa local press) at motorcade sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria rito para sa show nilang “Richard & Jodi 2Geder” ngayong gabi sa FSUU Gym na produced ng RRRJ Productions sa pakikipagtulungan ng Butuan City Tourism.

Sinabi naming hindi na kakayanin ng dalawa dahil pareho silang puyat dahil nga manggagaling pa sila sa taping ng Be Careful With My Heart.

Samantala, kasama ang mga programang Be Careful With My Heart, Huwag Ka Lang Mawawala, Juan dela Cruz at ang kontrobersyal na My Husband’s Lover sa mga pinapanood ng mga taga-Butuan at aliw na aliw daw talaga sila sa seryeng pinagbibidahan nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

At dahil first time pupunta si Sir Chief dito sa Butuan City ay biglang dumami ang inquiries tungkol sa show at maging ang mga taga-Agusan del Norte, Surigao at Cagayan de Oro ay dadayo dito para manood ng “Richard & Jodi 2Geder” ngayong gabi.

Samantala, marami naman ang nagsasabi na sana raw sa susunod na project ni Sir Chief ay medyo serious drama na ang gawin niya para mas lalong lumutang ang galing niya sa pag-arte.

Pero ayon nga sa aktor, depende raw ’yan sa ABS-CBN, “Siguro in time. You have to learn along the way. I think you have to learn to do all these things slowly. Ayoko naman half-baked so we might go into that later on.”

Ayaw ding magpa-pressure ni Sir Chief sa mga natatanggap niyang awards dahil sa success ng Be Careful With My Heart, “I just do what I have to do.

Di ko nga naisip na magkakaroon ako ng award or anything basta inaayos ko lang ‘yung trabaho ko, do the best I can in everything that I do.”

Matindi pa rin ang magic ni Richard sa mga kababayan natin, lalo na sa mga girls, mapabata man o matanda. Patunay lang ito na hindi lang panandalian ang kasikatan ng aktor, tulad ng paniniwala ng iba.

( Photo credit to Google )

Read more...