JC DE VERA type na type sina KIM at MAJA


Bilib na bilib ang bagong Kapamilya actor na si JC de Vera sa galing nina Maja Salvador at Kim Chiu bilang mga aktres. Feeling niya, matsa-challenge siya nang bonggang-bongga kapag nabigyan siya ng chance na makatrabaho ng dalawa.

Bukod sa magbibida sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, meron na ring teleserye na nakalinya para kay JC na matagal nang pangarap na makapagtrabaho sa ABS-CBN.

“Ang huli ko kasing napanood ay ‘yung Ina Kapatid Anak nina Kim and Maja and sila ‘yung nasubaybayan ko rin sa pag-arte,” sey ni JC.

Kaya kung mabibigyan siya ng pagkakataon para makatrabaho ang dalawa, “Bakit hindi? Sino ba namang tatanggi? Kahit sino actually, kahit sinong makatrabaho ko or maka-partner hindi ako tatanggi kasi room ‘yun para sa akin para matuto at mag-grow and sino ba ako para mamili?

Nabigyan na nga ako ng opportunity na makaapak sa ABS tapos mamiili pa ako.”

( Photo credit to Google )

Read more...