PAMILYA BARRETTO kayang ipagtanggol si RAYMART; Walang kumampi kay CLAUDINE

Isang mapagkakatiwalaang source ang nakausap namin kamakailan na nagsabi sa amin na hindi basta uupuan lang ni Raymart Santiago ang mga akusasyong ibinabato sa kanya ngayon ni Claudine Barretto.

Simple lang ang katwiran ng aming source, napakaraming taong makapagpapatunay na may pinanggagalingan ang mga ganitong aksiyon ng aktres, ayon sa aming kausap ay mismong pamilya pa nga ni Claudine ang puwedeng magpatunay kung anu-ano ang mga dahilang ‘yun.

Nakakalungkot lang isipin na ang isang relasyong tulad ng kina Raymart at Claudine ay kailangang magtapos sa ganitong paraan.

Maayos ang naging plano sa kanilang pagpapakasal, pagsisimula bilang mag-asawa at parang matindi ang kanilang pagmamahalan, pero hindi pala.

Sa likod pala ng mga akalang ‘yun ay isang pagsasamang palaging magulo, punumpuno ng mga argumento, madaya talaga kung minsan ang buhay ng mga artista.

Sabi ng aming source, “‘Yung mga taong may alam tungkol sa pinagdaanan ni Claudine, kakampi ni Raymart ang mga taong ‘yun. Sila ang nakakaalam kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo.

“Walang maitatago sa kanila dahil naging part din sila ng relasyon nina Raymart at Claudine, humihingi sila ng payo sa mga kaibigan nila kapag nagkakaroon sila ng mga problema, kaya panalo si Raymart kapag nagsasalita na ang mga kaibigan nila,” pagdidiin pa ng aming source.

Kumplikado ang mga kuwentong kinapapalooban ng mag-asawa, pero gaano man kagulo ‘yun ay siguradong may makapagbibigay ng linaw sa mga insidenteng pinagtatalunan nila, hindi magtatagal ay magiging malinaw rin ang takbo ng kuwentong ito.

Sa isyu ng pananakit na pisikal ay mismong si Randy Santiago ang nagsabi, “Kilala ko ang kapatid ko, kilalang-kilala namin siya, nakakagulat naman ang mga naglalabasang istorya ngayon!”

Sana nga ay may isa ring kapamilya si Claudine na magsabing hindi marunong mag-imbento ng kuwento ang kanilang kadugo.
Sana nga.

( Photo credit to Google )

Read more...