Kilalang aktor-politiko yumaman sa ‘parking lot’


BLIND item: Years ago, umuupa ang grupo ng aming bayaw ng isang suite at a building somewhere in Metro Manila.

Sa bungad nito nakatirik ang isang sikat na fast food chain na nasa loob ng isang malawak na parking lot halos katapat ng isang pampublikong pagamutan.

That time ay may elective post na ang aktor na ito.

Ang balita, ang mga ibinabayad sa parking lot ay diretsong napupunta sa kanya. Ang mga may-ari ng sasakyan were either tenants of the building (now demolished) or of private vehicles.

Ito lang naman ang disimuladong katas ng kanyang raket na ‘di na dumadaan pa sa munisipyo. At kabilang din ito sa katas ng naipagawa niyang magarang tahanan ng kanyang ina sa labas ng siyudad na nasasakupan niya.

Luckily for him, tinalo niya sa eleksiyon ang taong mas mataas ang katungkulan sa kanya gayong they were once a formidable tandem.

Read more...