Tagumpay ba si Yorme sa paglaban sa ilegal na droga sa Maynila?

ISKO MORENO

GUSTO naming maniwala that Manila City Mayor Isko Moreno can do better than national leaders. Minsan pang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pananampalataya that the actor-turned-politician makes a good President in the future.

Kinabukasan din noong isang linggo, nagbigay ng kanyang saloobin si Isko patungkol sa pahayag ni VP Leni Robredo na sa loob nang tatlong taong pagkakaroon ng war on drugs sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay maituturing na “failure” ito.

Kulang isang porsiyento lang daw ang nasabat na shabu at drug money mula sa mga isinagawang operations ng pulisya o mga pinagsamang puwersa ng mga ahensiya tasked to address the drug menace.

Ani Isko, unfair daw ito lalo na sa Kapulisan na nagbubuwis-buhay, magampanan lang ang kanilang trabaho.

Matatandaaang the VP was appointed no less than the President in November last year to co-chair ICAD. Pero hindi pa man nag-iinit ang puwet nito sa posisyon, Robredo was stripped of her title. Bale 18 days lang siyang nagkaroon ng silbi bunga na rin ng sigalot internally.

Ang dapat sana’y isisiwalat niyang ulat albeit her brief stint ay makailang beses nang naudlot as she bought for time. Keeping us all in suspense, hinintay natin ang araw kung kailan niya ito isasapubliko.

When the time finally came, heto ang bida-bidahang si Mayor Isko na todo-depensa sa lider ng kanyang cheering squad. Aniya, si PRRD lang daw ang pinuno who went after drug syndicates.

Hindi na kami makikipagtalo, let alone makikipagtaltalan sa argumentong ito, let the public judge if Isko’s statement is not without any tinge of doubt.

Ang mataas tuloy na tingin namin kay Isko based on the hallmarks of his administration has been leveled to the ground kung paanong nawalis din ang mga bangketa sa Maynila.

Sa bibig na rin niya nanggaling na mahigit 800 ang mga barangay na meron sa Maynila, and more than a 100 of these have been declared drug-free.

Doing the math, the figures don’t account for 15%, a feat na ipinagmamalaki niya which is neither a success as well. Clearing operations-wise, baka rito pa nakaiskor ng malaking tagumpay ang kanyang pamunuan

Read more...