Barbie Forteza bagong Primetime Princess ng GMA 7

BARBIE FORTEZA

OPISYAL nang hawak ni Barbie Forteza ang titulong Kapuso Primetime Princess.

Sa totoo lang, sa mga young actresses ng GMA 7 si Barbie ang laging nabibiyayaan ng mga serye sa primetime at halos lahat ng mga ito ay panalo sa ratings, huh!

“Talagang laking pasasalamat ko dahil sobra ang tiwala na ibinibigay nila sa akin. Mula noon hanggang ngayon, hindi ako nawalan ng work kaya naman lagi kong ibinibigay ang lahat sa bawat project na ipinagkakatiwala nila sa akin.

“Para sa isang artista, lalo na ako, bagets kumpara sa iba, baguhan pa lang din naman ako pero palagi nila akong kino-consider sa magagandang projects, at ngayon nga binigyan pa nila ako ng title,” pahayag ni Barbie.

Sa mga bagong shows sa 2020 ng GMA, tanging si Barbie lamang sa mga female young stars ng network sa kanyang generation ang magkakaroon ng primetime show sa pagpasok ng Year of The Rat.

Ngayong January, unang isasalang ng network ang series niyang Anak Ni Waray Versus Anak Ni Biday kung saan makakasama niya si Kate Valdez.

Siyempre, inggit much ang iba ay Barbie, huh! Pero sabi nga namin, karapat-dapat lang tawaging Primetime Princess ang dalaga dahil sa dami na ng nagawa niyang drama series sa GMA at mga top-rater pa kaya siguradong walang kokontra sa bago niyang title!

Read more...