outbrain

‘Hyena’ ni Ji Hoon mapapanood na sa love month

By Bandera January 15,2020
share this

‘Hyena’ ni Ji Hoon mapapanood na sa love month

By Bandera January 15,2020
share this

JOO JI HOON

Mapapanood na sa ika-21 ng Pebrero ang “Hyena”, ang bagong drama series na pagbibidahan ng Korean superstar na si Joo Ji Hoon.

Kwento ito ng mga abogado na may mahigpit na kompetisyon, kung saan ginagamit ang kanilang kaalaman sa abogasya para sa kani-kanilang ambisyon. Gagampanan ni Joo Ji Hoon ang karakter ni Jung Geum Ja na unang inalok sa isa pang Korean superstar na si Song Hye Kyo, pero tinanggihan niya ito.

Bibida rin sa “Hyena” ang aktres na si Kim Hye Soo na gaganap naman bilang Yoon Hee Jae. Kasama rin sina Song Pil Joong, Jeon Suk Ho, Hwang Bo Ra at Song Young Kyu.

Nakilala si Ji Hoon sa K-Drama na Princess Hours at bumida rin sa dalawang installment ng fantasy epic movie na “Along With the Gods” na tinaguriang second highest grossing film sa South Korea. Siya rin ang bida sa Netflix zombie series na Kingdom.

Bumida naman si Hye Soo sa mga pelikulang “Tazza: The High Rollers” (2006) at “The Thieves” (2012).

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending