Diaper, bra aprubado ng DOH bilang alternatibong face mask

APRUBADO sa Department of Health (DOH) ang paggamit ng diaper at bra bilang alternatibong face mask sa harap naman ng pagtaas ng presyo at pagkaubos ng suplay nito.

Sinabi ni DOH assistant secretary Ma. Francia Laxamana na epektibo ang mga diaper sakaling walang mabilhan na face mask.

“Pwede po siya kasi actually po, kung titignan niyo po yung diapers, diba sa mga bata merong ‘Keep it dry.’ So ngayon po, ang pwede niyo pong gawin, basa basain lang ng konti siya para hindi kayo masuffocate. Para talagang ma-obstruct [ang ash],” sabi ni Laxamana.

Idinagdag ni Laxamana na bukod sa diaper, maaari ring gamitin ang bra at t-shirt.

“Very good, creative, practical way. Kasi worse comes to worst at wala ka talagang makuha, yun na po ang pwede niyong gawin. Meron pa ngang ibang creative ways of doing things. Isa pa po yung kamiseta. Meron po ibang creative, yung bra, panty. Kasi po talagang lahat lumalabas na,” ayon pa kay Laxamana.

Napaulat na umabot ng P200 kada isang piraso ang presyo ng N95 at wala ring mabilhang face mask sa mga pharmacy.

Read more...