NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko sa pagbili at pagkain ng isda mula sa Taal Lake at kalapit na lalawigan ng Batangas, sa pagsasabing posibleng magdulot ito ng panganib sa kalusugan ng isang tao.
“Definitely meron po tayong mga advisory na lahat ng nanggagaling dyan sa area ng Taal at Batangas, dapat po talaga, wala nang bibili. Kasi hindi po natin maaasahan ‘yung safety ng ating mga mamamayan,” sabi ni DOH Assistant Secretary Ma. Francia Laxamana.
Idinagdag ni Laxamana na sakaling aksidenteng makakain ng isda mula sa Taal Lake at Batangas, dapat bantayan ang posibleng pananakit ng tiyan, pagsusuka at diarrhea.
“Ngayon, kung halimbawa man na nagkaroon ng pagkakataon na nakakain siya o gusto n’ya talaga ‘yung Tawilis na galing ng Taal Lake, meron po tayong mga symptoms,” ayon pa kay Laxamana.
“Kung ano po ‘yung mga symptoms na mararanasan ng ating mga naka-ingest ng galing d’yan sa, baka patay na na mga isda, magkakaroon po ‘yan ng sintomas kagaya ng pagsasakit ng tyan, magsusuka, magtatae. ‘Yun po ‘yung mga gagamutin nating sintomas,”