Sharon isinugod sa ospital: Kulang na lang makasama ko si Johnny Depp! | Bandera

Sharon isinugod sa ospital: Kulang na lang makasama ko si Johnny Depp!

Ervin Santiago - January 13, 2020 - 07:55 PM

FEELING “Johnny Depp” ang peg ng Megastar na si Sharon Cuneta matapos isugod sa ospital dahil sa naging problema niya sa mata.

Nag-post ang Kapamilya singer-actress sa kanyang Instagram account ng litrato na kuha sa emergency room ng Makati Medical Center. Bigla raw kasi siyang nakaramdam ng matinding sakit sa mata.

 “Majorly painful / painfully major eye irritation tonight. Had to be rushed to the Makati Med E.R.. Buti walang scratch or foreign body.

“Nairritate lang dahil sa bahay when it was itchy and a bit sakit I scratched and washed it. Ayan,” caption ni Mega sa kanyang IG post.

Hindi naman idinetalye ng aktres kung ano ang dahilan ng kanyang eye irritation, pero sa litratong ibinahagi niya sa kanyang social media followers, makikitang may benda ang kanang mata niya.

Sabi pa ni Sharon sa kanyang caption, “Kulang na lang makasama ko si Johnny Depp. Sabay na kami mag-Pirates sa Caribbean. Haaayyy napakaKYUUUUUUUUUUUT talaga ng buhay ko nitong mga araw na ito!”

Ilang kaibigan naman ni Mega ang nag-alala sa kanyang kundisyon kasabay ng pagdarasal sa agaran niyang paggaling.

Isa nga sa mga nagkomento sa IG post ni Shawie ay ang kaibigan niyang si Cherie Gil, “I don’t think liking this shot is even appropriate. I pray that you heal soonest!”

Comment naman ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros, “Careful momshieshawie , joker pa din!”

Ilan pa sa  nagpaabot ng “get well soon” message para kay Mega ay sina Martin Nievera, Vina Morales, Christine Bersola-Babao at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending