85-15 % hatian sa service charge dapat bang ibalik sa dati?
ILANG mga restaurants ang kaagad na tinanggal ang service charge na kanilang kinokolekta matapos maaprubahan ang batas na nagbibigay nang buong 100 percent sa mga rank and file employees.
Ang service charge ay ina-allow ng batas sa mga restaurants, hotels, spa at iba pang mga leisure oriented business lalo na sa mga nagbibigay extra effort sa pagsisilbi sa mga customers.
The Service Charge law giving the entire 100% service charges collected to rank and file employees was passed into law effective November last year.
Dati kasi 85 percent ng buong service charge na nakokolekta ay napupunta sa mga empleyado habang ang 15 percent naman ay napupunta sa management ng establisimyento bilang pambayad sa mga nawawala o nasisirang gamit.
Pero matapos maaprubahan ang batas kaagad namang inaalis ng ilang restaurants ang kanilang service charge dahil hindi na nga sila nakikinabang dito at tanging mga empleyado lamang nila!
Talagang mga tuso at ayaw na malalamangan ang mga ganid na empleyado!
Dahil dito, kaagad na naglabas ang Department of Labor and Employment ng correction na ang pagtanggal ng service charge collection ay isang uri ng diminution of benefits na ipinagbabawal ng batas.
Kaya nagbabala ang DOLE na isang diminution of benefits ang pagtanggal ng service charge at maaring ipasara ang establishments na lumabag dito.
Dahil din sa bagong batas na ito, hindi na rin mae-engganyo ang mga dati at bagong-bagong establishments na mangolekta ng service charge dahil hindi na sila makikinabang dito so why bother collect?
Ayay! Malaking tulong pa naman ang service charge sa mga rank and file employees dahil hindi sapat ang minimum wage na tinatanggap nila.
E, tama bang ibalik na lang sa dating 85-15% ang hatian ng service charge between employees and management? Anong sey mo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.