Kaya malaking bahagi sa tagumpay ng Bolts ang patuloy na paglalaro ni Almazan sa koponan. At napatunayan ito matapos na mawala siya bunga ng injury sa Game 3 ng PBA Governors’ Cup Finals noong LInggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtamo si Almazan ng left knee injury sa unang yugto ng Game 3 at hindi na nakabalik sa laro na naging daan para madomina ng Barangay Ginebra Gin Kings ang Bolts.
Sa pagkawala ni Almazan, namayagpag sa loob ng shaded area ang Gin Kings tungo sa pag-uwi ng 92-84 panalo at pagkubra ng 2-1 Finals series lead.
Ang 6-foot-7 Meralco big man, na may average na 17.5 puntos, 11 rebounds at 1.5 shotblocks sa unang dalawang laro ng serye, ay nakapaglaro lamang ng anim na minuto at nagtala ng dalawang puntos sa Game 3.
“It’s a big blow. Raymond has been playing great this series,” sabi ni Meralco import Allen Durham. “Rebounding, defense, putback scoring. So it’s definitely a big loss, but you now, we’ll see if he can come back, but if not then everybody else has got to step up.”
Kaya naman magiging malaking kawalan si Almazan kung hindi na ito makakapaglaro sa serye.
Ayon kay Meralco team manager Paolo Trillo hindi sila sigurado kung makakapaglaro pa si Almazan sa kabuuan ng Finals.
“We can’t really say right now,” sabi ni Trillo sa isang text message nitong Lunes.
“We’re still waiting for the official reading of his test … so we’ll take it day-to-day,” dagdag pa ni Trillo.
Umaasa naman si Bolts head coach Norman Black na magiging maayos ang kondisyon si Almazan.
“I’ll try to be as positive as possible, and hopefully he’ll be okay,” sabi ni Black.
“But from being a player myself, having a swollen knee in the middle of a championship series is not something you can just bounce back from that easily,” dagdag ni Black.