KINANSELA ni Pangulong Duterte ang pagbisita sa Leyte para mamahagi ng mga benepisyo sa mga rebel returnees dahil na rin sa ashfall dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang desisyon ni Duterte na wag munang ituloy ang kanyang biyahe.
“Due to the recent eruption of Taal volcano, and to ensure safety of travel and better preparation of the officials, President Rodrigo Roa Duterte’s engagement in San Isidro, Leyte – the distribution of benefits to rebel returnees – has been rescheduled to later date,” sabi ni Panelo.
Nakatakda sana ang biyahe ni Duterte ng alas-4 ng hapon sa San Isidro, Leyte para makaharap ang mga sumukong dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at mamahagi ng mga benepisyo sa mga dating rebelde.