1 patay matapos ang aksidente dahil sa ‘zero visibility’ sa Laguna

PATAY ang isang driver ng trak, samantalang sugatan ang tatlong iba pa matapos ang aksidente sa Calamba, Laguna dahil sa zero visibility bunsod ng ashfal matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Briones, residente ng Sto. Tomas, Batangas. Sugatan naman ang kanyang kasama at mga truck helper na sina Jovin Daen, 22; Charity Flores, 33; Reymar Daen, 34.

Sinabi ni Lt. Col. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Calabarzon police, na nangyari ang aksidente ganap na ala-1 ng umaga habang binabagtas ng trak ang national highway sa Barangay Paciano, Rizal.

Papunta sana ang trak sa susunod na lungsod ng Cabuyao nang matakpan ng ashfall ang windshield nito dahilan para hindi makita ng driver ang dinadaanan.

Ayon sa pulisya, dahil sa zero visibility, nawalan ng kontrol ang driver, dahilan para bumaliktad ang trak at bumangga sa poste ng kuryente sa tabi ng kalsada.

Si Briones ang unang nasawi bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Read more...