Obrero pisak sa pader

PATAY ang isang construction worker nang mabagsakan ng pader ng itinatayong pabahay, sa Calamba City, Laguna, nitong Biyernes.

Nakilala ang nasawi bilang si Danilo Swela, 59, residente ng Villa Andrea, Brgy. Kay-anlog, ayon sa ulat ng Laguna provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga, at naiulat sa pulisya alas-11:45.

Sinabi sa pulisya ng isa pang construction worker na tinatanggal nila ni Swela ang suporta ng naitayong konkretong pader, nang biglang mabuwal ang pader at bumagsak sa huli.

Itinakbo pa si Swela sa Dr. J.P. Rizal Memorial District Hospital, pero di na umabot nang buhay.

Read more...