MANILA Mayor Isko Moreno received flak over his reaction sa sinabi ni Vice-President Leni Robredo na failure ang war on drugs ng administration.
“Unfair naman ‘yun sa enforcement unit who are putting their lives on the line confronting this ready-to-kill individual,” say ni Yorme.
“Nilalagay nila sarili nila sa alanganin then you’ll hear these type of statements. Alanganin lang, hindi lang ako kumportable,” dagdag pa niya.
That said, marami ang pumalag na netizens. He was bashed left and right.
“Maagang namolitica si Yorme! I salute what you’ve done in Manila but its too early to tell. Focus muna on the current problem.”
“Isko is no match with VICO Sotto. Si Vico may paninindigan. Naglilingkod sa Pasig pero di nagpapa media. Maganda ang mga nagawa ni Isko sa Manila so far especially yung beautifications. Pero focus ka na muna sa Manila.”
“Itong si Isko nasobrahan sa pag papasikat epekto ng araw araw naka balandra sa FB live di nya ata naintindihan ang pagpuna ni VP sa drug war strategy ng gobyerno ay base sa nakalap nyang datos sa loob ng ICAD kung yun ang datos ibig sabihin MALI at PALPAK ang strategy.
“Ngayon mali bang baguhin mo yung stratehiya habang maaga para akma ang solusyon di kawalan ang tanggapin ang pagkakamali para maitama kung talagang seryoso ang gobyerno na puksain ang mga drug lord at ang droga.”
“Mayor ka ng Manila, sana focus ka na lang Yorme sa nasasakupan mo huwag ka nang makialam sa usaping hindi mo pa papel. dyan ka madadale para ka ng balimbing? Masyadong mataas ang lipad mo at halatado ka nang namumulitika. Ano ka linta? Kung saan may dugo doon ka kumakapit?”
May nagtanggol naman kay Yorme who said, “Mayor Isko is just trying to comment on what he is seeing right now on some of the barangay. Wala akong nakitang mali sa sinabi niya. If ever nag comment siya kay VP Robredo. It’s his own opinion lang not to discredit the VP but what he observe on his own Municipality.”
We’re just baffled as to why Mayor Isko is reacting on VP Leni’s assessment when April of last year, even President Rodrigo Duterte admitted that the war on drugs is a failure. Did he yak against it? No!!!
Selective ba ang reaction mo, Yorme?