Aliw na aliw kami when Angelica Panganiban asked for some suggestions sa kanyang Twitter followers.
She is to play kasi a promo girl sa isang project and she wanted some tips para maging effective ang kanyang portrayal.
“Hi!! Ang role ko kasi sa bago kong project, promo girl. Pano ba maging promo ghorl? Ano ang mga dapat kong gawin? Any tips?” she asked.
Ang daming nagbigay ng tip sa aktres.
“Ang first tip ay dapat tawagin mo lahat na mom/sir.”
“Always tell them the features and benefits ng product and always act knowledgeable about the product. Be confident, and give satisfaction to your customers.”
“Alamin mo po yung product na ihahandle mo. Product knowledge po para kaya mo po iexplain sa customer yung item na ipupush mo. Suggest some alternative items sa ibinebenta mo kapag walang prefer si customer na eksaktong gusto nya.”
“Usually ang mga promodizer, not all, medyo makakapal ang make up. tas pasweet na medyo aggressive ang dating when it comes to getting clients. syempre kelangan nila kumita eh.. pero not sure lang ah.. hehehe.”