10 counts ng homicide vs BuCor chief Bantag ibinasura

IBINASURA ng Parañaque Regional Trial Court ang 10 counts ng homicide laban kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag kaugnay ng pagsabog ng granada sa Paranaque City jail nong 2016.

Si Bantag ang nakaupong warden Parañaque City Jail nang mangyari ang insidente noong Agosto 11, 2016 kung saan 10 ang nasawi, walo rito ay suspek sa droga, samantalang dalawa ay mga nakakulong dahil sa kasong robbery at homicide.

Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete ang desisyon ni Parañaque Court.

Ibinasura ang kaso laban kay Bantag at dalawang iba pang opisyal dahil sa kawalan ng ebidensiya, ayon pa kay Perete.

Itinalaga si Bantag ni Pangulong Duterte bilang pinuno ng BuCor noong isang taon, kapalit ni Nicanor Faeldon matapos namang maugnay sa pagpapalaya sa mga preso na sangkot sa heinous crime.

Read more...