Fans ni Maine nagrambol sa socmed; Arjo inakusahang user ng mga basher

LABANAN ng kontra at kampi kay Arjo Atayde sa Twitter world nitong nakaraang mga araw.

Trending last Monday ang mga post ng netizens na kontra kay Arjo bilang boyfriend ni Maine Mendoza gamit ang hashtag na #NoToArjoTheUser.

Siyempre, naapektuhan si Meng sa mga banat at patutsada laban kay Arjo. Pahayag niya sa mga kumokontra sa aktor, “Wow, some ‘fans’ made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo.”

Natuwa at kinilig naman ang mga supporters ni Maine sa pagtatanggol niya kay Arjo kaya tinulungan siya ng mga ito para ipa-trend din ang gamit nilang hashtag na #YesToArjo, huh!

Ilang loyal fans din ng Eat Bulaga host ang nagkomento na huwag nang patulan ng dalaga ang mga bashers dahil ito naman talaga ang nais nilang mangyari, ang pansinin sila ni Maine at sagutin ang kanilang pamba-bash.

Hayaan na lang natin si Meng sa kanyang personal na buhay, suportahan na lang sana siya ng mga supporters nila ni Alden Richards na hanggang ngayon ay umaasa pa ring magkakabalikan ang dating loveteam.

Anyway, after mag-viral ang “Tala” dance challenge nina Maine at Arjo, kumasa na rin sa hamon ng Dubsmash Queen si Ryzza Mae Dizon, huh!

 

Read more...