Bakit kinabog ng ‘Miracle’ ni Aga ang ‘The Mall’ ni Vice?

AGA MUHLACH AT VICE GANDA

BASTA istoryang pampamilya na ang ihinahain sa mga serye ay kumakapit agad ang manonood. Sinusubaybayan natin ang mga kuwento, nakikiiyak tayo sa daloy ng istorya, ganu’n ang Pinoy.

Bakit nga ba kinabog ng pelikula ni Aga Muchlach ang matagal nang may-ari ng trono na si Vice Ganda? Pagmamahalan kasi ng mag-ama ang tutok ng kuwento.

Maraming kaibigan ang nagtawagan at nag-text sa amin kung bakit biglang hinaluan ng ibang plot ang The Gift ni Alden Richards?

Unang tanong ni Liza, ang talagang tutok na tutok sa serye ng Pambansang Bae, “Ano naman ang kinalaman nu’ng sub-plot na si Epy Quizon ang sentro ng idinagdag nila? Bakit biglang nagkaroon ng ganu’n?

“Isentro na lang sana nila ang kuwento sa pamilya ni Jean Garcia, kailangang magkita na sila ni Alden, kailangan nang malaman ni Sep na si Nadia ang tunay niyang nanay!

“Tama na ang mga dagdag na kuwentong hindi naman interesting, nakakatamad na tuloy panoorin kapag ganu’n!” reklamo ni Liza.

Napanood din namin ang serye nu’ng nakaraang Lunes nang gabi, totoo ang pagpuna ng mga kaibigan namin, napahinga ang paghahanapan nina Alden at Jean at halos wala nang eksenang magkakasama ang bida at ang kanyang lola at nanay.

Puso ang hinahanap ng mga tumututok sa The Gift, ganu’n kasi ang mga unang tagpo na ibinigay ng produksiyon sa publiko, kailangan nilang ibalik agad ‘yun bago pa bumitiw sa kanila ang publiko.

Read more...