Presyo ng bilihin tumaas noong Disyembre

UMAKYAT ang inflation rate o porsyento ng itinaas ng presyo ng bilihin noong Disyembre.

Ayon sa Philippine Statistic Authority naitala sa 2.5 porsyento ang inflation rate noong nakaraang buwan, tumaas mula sa 1.3 porsyento na naitala noong Nobyembre.

Noong 2019, ang average na inflation rate ay 2.5 porsyento mababa sa 5.2 porsyento noong 2018.

Ang pinakamababang naitalang inflation rate noong 2019 ay 0.8 porsyento noong Oktobre at ang pinakamataas naman ay 4.4 porsyento noong Enero.

Noong 2019 tumaas ang presyo ng pagkain at mga inumin na hindi nakalalasing ng average na 2.1 porsyento at ang alak at tobacco products ng 12.8 porsyento.

Tumaas naman ang bahay, kuryente, produktong petrolyo ng 2.4 porsyento at ang restaurant at miscellaneous goods and services ng 3.4 porsyento.

Ang damit at sapin sa paa ay nag-average naman ng 2.6 porsyento ang itinaas at ang mga may kinalaman sa kalusugan ay 3.5 porsyento.

Read more...