Female star ‘dagdag-bawas’ ang mukha, naadik sa pagpaparetoke

WALANG ginagawang proyekto ngayon ang isang female personality na hindi malaman ng kanyang mga kaibigan kung ano talaga ang gustong mangyari sa buhay.

Kumakanta siya, umaarte, gusto niyang pagsabayin ang dalawang linyang mahal daw niya. Pero bigla naman siyang nawawala, ilang buwan siyang hindi nagpapakita, saan nga bang lupalop ng mundo siya palaging tumatambay?

Kuwento ng isang source, “Mahirap ispilengin ang babaeng ‘yun! Kung ano ang maisip niya, e, walang makapipigil sa kanya! Kita n’yo naman, pati ang itsura niya, e, halos wala nang makakilala sa kanya!

“Ibang klase ang babaeng ‘yun, mahirap siyang intindihin! Kung ano ang trip niya, e, ‘yun lang ang concentration niya!” unang chika ng aming impormante.

Ngayon ay kung saan-saang bansa siya nakikita, siya mismo ang nagpo-post kung nasaan siya, kaya ang tanong ng mga miron ay saan kaya siya kumukuha ng panggastos sa mga granatsa niya?

“Nakakaloka siya, kung ano ang pumasok sa kukote niya, kahit ang pamilya niya, e, hindi na niya pinakikinggan! Kaya wala siyang tumatagal na karelasyon, e!

“Imagine, nu’ng one time, ang napagtripan niya, e, ang itsura niya! Kung anu-ano ang ipinagawa niya, dagdag dito, bawas du’n!

“Ibang-iba na ang itsura niya, kahit nga ang mga ex niyang male personalities, e, hindi na siya nakikilala, di ba? Tapos, biglang nagbago ang isip niya, ipinatanggal niya naman ang mga ipinabago niya sa face niya!

“Ganu’n siya, kung ano ang maisipan niya, ‘yun ang gagawin niya! Ngayon, kung saan-saang bansa naman siya nagpupunta! Wala siyang pakialam, basta rampa lang siya nang rampa!

“Napakalaki ng gastos sa ganu’n, ha? Saan naman kaya siya kumukuha ng datung na ipinanggagastos niya? Duda ng marami, e, malaking halaga ang naipon niya nu’ng makipagrelasyon siya sa isang madatung na businessman!

    “Ngayon pa lang niya inilalabas ‘yun, para hindi masyadong halatado ang mga kadramahan niya. Naku, bakit kaya hindi na lang niya gamiting pangnegosyo ang kadatungan niya?

    “Magtayo siya ng meat shop sa Muñoz Market, di ba naman? Para sigurado na ang future niya!” pagtatapos ng napapailing naming source.

    Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino siya, getlak n’yo na ‘yan nang walang kahirap-hirap.

Read more...