Araneta concert ni Alden tuloy na; lovelife ang b-day wish ngayong 2020

DADAYUHIN na ni Alden Richards ang Araneta Coliseum sa susunod niyang major concert.

In-announce niya ito sa pilot telecast ng bagong Kapuso musical variety show na All-Out Sundays last Jan. 5 na nagsilbi ring birthday celebration ng binata.

Pinangunahan ng Asia’s Multimedia Star ang pagbubukas ng #AOS kasama ang iba pang pambatong performers ng GMA 7.

Ang gandang tingnan ng mga stars ng Kapuso Network na bumubuo ng All-Out Sundays na nasa isang stage. At napansin lang namin, halos lahat pala sila ay mga kabataan, meaning sila na ang mga susunod sa yapak ng mga veteran singer and performers sa showbiz industry.

Samantala, wala pang ibang detalye ang Araneta concert ni Alden. Malamang na tapusin muna niya ang kanyang primetime series na The Gift bago pagtuunan ng pansin ang kanyang next major concert na magiging bahagi rin ng kanyang 10th anniversary sa industry.

At sure kami na level up na rin ang pagiging concert artist ng Pambansang Bae, huh!

Anyway, isa sa mga birthday wish ni Alden this year ay ang magkaroon na ng lovelife.

Anyway, sa mga 2020 primetime shows ng GMA, nabalitaan naming una munang isasalang ang Anak ni Waray Versus Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez kasama sina Snooky Serna at Dina Bonnevie. Hindi lang namin sure kung ito ang papalit sa The Gift na balitang na-extend pa ng isang buwan dahil sa paghataw nito sa ratings game.

Read more...