SB19 gumawa na naman ng history: Pasok sa Billboard Social 50; Blackpink, Twice tinalbugan

SB19: Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin

HINDI na talaga mapipigil ang pagsikat at pag-arangkada ng grupong SB19 hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng universe.

Muli na namang gumawa ng kasaysayan ang grupo sa music industry bilang first Filipino act na nakapasok sa Billboard Social 50. Tinalo ng sikat na sikat na ngayong SB19 ang ilan sa mga sikat na performers abroad, kabilang na ang all-female Korean group na BlackPink.

Ayon sa kanilang official website, ang Billboard Social 50 ay isang ” weekly ranking of the most active artists on the world’s leading social networking sites”. Kaya ibig sabihin, talagang world-class na ang datingan ng SB19.

Last week, nasa 28th spot ng Billboard Social 50 ang grupong binubuo nina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin at ngayong linggo nga patuloy silang umarangkada hanggang makuha ang 19th spot. Sila lang naman ang sumunod sa pwesto ni Mariah Carey.

Kabilang sa mga naungusan ng SB19 sa listahan ay ang dating One Direction member na Harry Styles na nagsolo na ngayon, American rapper Cardi B, American singer-songwriter Lizzo at ang tatlong sikat na K-pop girl groups na Twice, BlackPink at Mamamoo. Ang Korean boy band na BTS pa rin ang nangunguna sa Billboard Social 50 na nananatili sa kanilang pwesto sa loob ng 129 weeks. Pumangalawa naman sa listahan ang K-pop girl group na Red Velvet.

Bago matapos ang taon, gumawa na rin ng history ang SB19 after they landed at the 6th spot of the “Next Big Sound” chart ng US Billboard kung saan nakuha nila ang ikaanim na pwesto. Ayon sa official statement ng Billboard, “The Next Big Sound features the “fastest accelerating artists during the past week, across all major social music sites.”

Ang SB19 ang kauna-unahang Filipino group na sumailalim sa matinding training under Korean company ShowBT Philippines. Nakilala ang grupo sa kanilang mga hit songs na “Tilaluha” at “Go Up.” Sa ngayon, humahataw na ang kanilang third single na “Alab.”

Read more...