YouTuber na nambastos sa ‘Lupang Hinirang’ nag-sorry na

NAG-SORRY na ang controversial internet sensation na si Bretman Rock matapos umani ng matinding batikos mula sa mga Filipino dahil sa pambabastos niya sa “Lupang Hinirang”.

Kinondena ng madlang pipol ang ipinost niyang video sa Instagram kung saan mapapanood siyang nagtu-twerk habang kinakanta ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Talagang minura-mura siya ng mga netizens at kailangan daw maparusahan siya sa kanyang ginawa.

Ayon sa isang follower ni Bretman, tatlong buwan na ang nakalipas nang i-post ng vlogger ang nasabing video pero agad din naman daw nitong tinanggal sa kanyang IG page matapos ma-realize na hindi tama ang kanyang ginawa.

“I just want to inform y’all, the video of Bretman singing and disrespecting our national anthem on his story was 3 mos ago. and he deleted it immediately and HE APOLOGIZED IMMEDIATELY. I HOPE U CONSIDER THAT,” ang mensahe ng @andrengsam.

Pero nito nga lang Dec. 30 kumalat ang nasabing video sa Facebook at YouTube na ikinadismaya at ikinagalit ng mga Pinoy. Kaya naman nang makarating kay Bret ang balita, agad siyang nag-issue ng public apology.

According to the Republic Act No. 8491 (Flag and Heraldic Code of the Philippines), “the reverence and respect shall at all times be accorded to the flag, the anthem, and other national symbols that embody the national ideals which express the principles of sovereignty and national solidarity.”

Kasabay nito, naglabas din ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ng public notice hinggil sa pambabastos sa National Anthem. Ito’y matapos nga silang makatanggap ng sandamakmak na reklamo tungkol sa “twerking video” ni Bretman gamit ang “Lupang Hinirang”.  Ayon pa sa NHCP, “the violation of the Flag and Heraldic Code of the Philippines could lead to a P5,000 to P20,000 fine, or imprisonment of not more than one year.”            

Read more...