Payo kay Julie Ann: Wag kang pumayag na itambal kay Alden, kawawa ka lang

Julie Anne San Jose said in her recent interview na willing siyang makasama si Alden Something sa isang project.

Actually, magkasama na sila sa bagong Sunday show ng GMA 7.

When her interview was uploaded by a website, marami ang  nagpayo kay Julie Anne na ‘wag nang ituloy ang kanilang partnership ni Alden. Napaka-toxix kasi ng fans ng binata, ngayon pa lang ay bina-bash na siya sa social media.  Walang habas siyang nilalait ng fans na walang pinag-aralan, walang urbanidad at walang manners.

Actually, mix ang reaction ng fans sa muling pagtatambal nina Alden at Julie Anne.

“Girl, wag na. Utos man ng management, hindi mo ikakatahimik yan. Mababash talaga sino mang ipartner kay Alden pero ikaw talaga ang pinakamababash higit sa lahat.”

“May Julie-Rayver (Cruz) na pinupush ang network bakit hindi na lang sila. In denial lang yata ang network niya na hindi na talaga sisikat itong si Julie solo man o kahit sino pa ipartner sa kanya.”

“Wag na lang. It’s better for Alden to go solo para wala ng mga hanash na faney. Para open kahit sinong leading ladies.

“Nakakatawa tong mga fans ni Alden, as if naman kaya ni Alden mag-isa. Reminder lang, umangat lang career ni Alden nung tinambal siya kay Maine Mendoza at kay Kathryn Bernardo.”

* * *

Last Sunday ay nagsimula na ang bagong show ng GMA 7.

Sa rehearsal videos pa lang ay hindi na kami na-impress. Imagine, pangmalakasang Sunday show ito pero puro micro starlets of intergalactic proportion ang nasa cast. Parang sina Alden at Julie Anne lang ang may name. Puwede na rin si Glaiza de Castro kahit na starletita pa rin ang kanyang level. Sa Twitter, pinag-usapan ang hanash ng isang account.

“Ito na ba yon GMA? Susko magtayo na lang kayo ng perya. Pilot episode pa lang nagtitipid agad. Sayang kuryente. Palitan direktor. I vote @ricogutierrez8  or @paolovalenciano,” hanash ng isang Twitter handler na pang-showbiz.

Nag-react ang netizens, lahat sila nega ang tingin sa bagong Sunday show ng Siyete.

“Ibalik na lang yung unang format ng STUDIO 7 at pakilagay na lang sa Bubble Gang ang mga komedyante hindi naman kailangan. Gusto pa rin ng viewers sayawan at kantahan.”

“Mukhang binago lang naman pangalan ng show wala namang pinagbago.”

“Dyosme kng magulo ang SPS mas lalo magulo ang AOS. kainis panoorin naxt week waley na off na lang TV tiningnan ko lang kung ano klase eh mas waley din pala.”            

Read more...