Vice Ganda biglang nagtanggal ng wig sa GGV, members ng Momoland na-shock

NAG-TRENDING ang K-pop girl group na  Momoland nang mag-guest sila sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

Nag-viral at pinag-usapan ang pagsayaw nila ng “Tala” dance na pinasikat ni Sarah Geronimo. Tilian ang audience when Momoland members Jane, Ahin, Nancy, JooE, Nayun and Hyebin took  the stage to display their terpsichorean skills by taking the “Tala” dance challenge.

Sa interview portion, ang member na si Jooe ang umani ng maraming applause dahil sa kakulitan nito. Para ngang na-meet niya ang kanyang “mother” sa katauhan ni Vice Ganda dahil sa kanyang mga kuwelang sagot at gestures.  Sa isang challenge where they were asked to try  some Pinoy dishes, naaliw muli ang audience kay Jooe sa reaction nito nang matikman ang sinigang.

“She looks very friendly,” say ni Vice kay Jooe. “Thank you,” sagot naman ng Korean singer.

When asked kung ilang taon na siya, dalawa ang naging sagot ni Jooe, 19 and 20. “Sa Korea kasi dalawa ang edad. Sa Korea kapag pinanganak one year old agad. Every new year, January 1 one year old, January 1, two years old,” paliwanag ni Ryan. Si Ryan Bang ang naging interpreter para sa grupo all throughout the interview.

Naloka si Jooe nang magtampo sa kanya si Vice dahil hindi nito sinabi na nagkaroon na siya ng boyfriend. “It’s secret,” say ni Jooe. Bilang ganti, ipinakita naman ni Vice ang kanyang secret. Bigla nitong tinanggal ang kanyang wig na ikinaloka ng Momoland members.

Read more...