Catriona magkakaroon na rin ng wax figure sa Madame Tussauds SG Chito Miranda may poser sa socmed, nagbabala sa netizens

AFTER Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and Boxing champ Sen. Manny Pacquiao, si 2018 Miss Universe Catriona Gray naman ang gagawan ng wax figure para sa sikat na sikat na Madame Tussauds museums.

Mismong si Catriona ang nagbandera ng good news sa kanyang Instagram page kung saan hawak pa niya ang isang case na punumpuno ng ceramic eyeballs na may logo ng Madame Tussauds.

“Stay tuned on @MadameTussaudsBangkok, @MadameTussaudsHongKong and @MadameTussaudsSingapore social media pages for more information,” ang caption niya sa kanyang IG post.

“I am so excited to see the final figure and be a part of this special event! To unveil the figure in my home country with my fans watching is another dream come true,” pahayag ni Catriona sa isang statement mula sa Madame Tussauds na isinabay talaga sa kanyang 26th birthday.

Ilang araw mananatili sa Pilipinas ang wax figure ng beauty queen saka dadalhin sa Madame Tussauds sa Singapore “for a limited time.” Idi-siplay din ito sa Bangkok at Hong Kong.

“We are constantly bringing in more fun to cater to various markets, and we look forward to welcome Catriona who will be the first Filipino wax figure in Madame Tussauds Singapore. Besides her figure, Catriona also filmed something special for Madame Tussauds,” ayon naman sa panayam kay Alex Ward, general manager ng Madame Tussauds Singapore.

* * *

Binalaan ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang madlang pipol sa isang netizen na nagpapanggap na siya sa social media.

Ani Chito, hindi siya ang may-ari ng Twitter account na may handle na @itsmechito_. Marami na kasi ang nagtatanong sa mister ni Neri Naig tungkol dito kaya bago pa magkaroon ng problema, nilinaw na ito ni Chito.

“Again, this is not me at wala akong kinalaman sa account na ‘yan,” aniya.

“He (or she) is just pretending to be me. Naka-block nga ako sa account na ‘yan eh,” dagdag pa niya.

May mga tweets daw sa nasabing fake account ang kanyang poser pero aniya, mag-ingat pa rin ang mga nagpa-follow sa netizen dahil baka magsisi sila sa bandang huli.

“Yeah. Pero nakaw lang din naman ‘yung mga tweet niya,” sey pa ni Chito.       

Read more...