Unang pasabog ng All-Out Sundays ng GMA winner sa rating; trending sa socmed

WAGI sa ratings game ang unang pasabog ng pinakabagong weekly musical variety show ng GMA 7, ang All-Out Sundays.

Pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens at manonood ang pilot episode ng programa last Sunday na pinangunahan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Glaiza de Castro, Paolo Contis at marami pang iba.

Sa resulta ng latest survey ng mga programang umere nitong Jan. 5, 2020, nakakuha ng 6.1 percent ang All-Out Sundays ng GMA 7 habang nakapagtala naman ng 5.7 percent ang ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN. Ibig sabihin, talagang mas maraming tumutok sa pagsisimula ng #AOS kesa sa 25th anniversary ng Sunday musical show ng Kapamilya Network.

Bukod sa paghataw sa ratings game, naging trending topic din sa social media ang unang episode ng All-Out Sundays dahil minu-minuto ay nagpo-post ang mga Kapuso viewers tungkol sa mga nagaganap sa show, nangunguna na nga riyan ang mga fans nina Alden at Julie Anne.

Mula simula ng programa hanggang sa ending ay hindi ito binitiwan ng mga Kapuso viewers. Ilan sa mga tinutukan ng netizens ay ang musical and dance numbers ng mga pambatong Kapuso stars, pati ang kanilang mga bagong idagdag pa ang mga nakakalolang comedy segments nila tulad ng “Tapsikret” (live sitcom) at ang “Sing Kilig”.

Kung hindi kami nagkakamali, mahigit 30 Kapuso talents ang umapir sa pilot episode ng #AOS. Bukod kina Alden, Julie Anne, Rayver, Glaiza, Paolo nandiyan din sina Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Ken Chan, Rita Daniela, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi at JD Domagoso.

Present din sina The Clash Season 1 champion Golden Cañedo with Garrett Bolden, Jong Madaliday and The Clash Season 2 champion Jeremiah Tiangco and First-Runner Up Thea Astley. Nandiyan din sina StarStruck 7 Ultimate Survivors na Kim de Leon at Shayne Sava, at ang mga pambatong comedian ng GMA na sina Betong Sumaya, Kakai Bautista, Boobay at Super Tekla.

Ang All-Out Sundays ay mapapanood simula 12 noon hanggang 2:30 p.m. sa GMA Sunday Grande

Read more...