‘Lovelife’ hiling ng bawat artista ng ‘The Gift’ sa isa’t isa ngayong 2020

“Lovelife” ang hiling ng cast members ng Kapuso primetime series na The Gift para sa isa’t isa sa pagpasok ng 2020.

Bukod sa dasal na sana’y magpatuloy ang mataas na rating ng kanilang programa, wish nila na sana’y lumigaya na ang bawat isa pagdating sa kanilang buhay-pag-ibig.

“Sana mas bigyan mo ng change ‘yung heart mo, na huwag kang pigil nang pigil,” hiling ni Mikoy Morales para kay Jo Berry.

“My New Year’s wish for Martin is mahanap na niya ‘yung magpapasaya sa kanya. Gusto ko na siyang makitang may love life, may mga ka-date,” sey naman ni Mikee Quintos para kay Martin del Rosario.

“Ang parangarap ko para sa kanya, sana huwag siyang magbago, number one. Number two, magkaroon ng konting pahinga. Number three, baka sakali, magkaroon na ng love life,” ang wish naman ni Elizabeth Oropesa para kay Alden Richards.

Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng The Gift, siguradong masa-shock kayo sa mga susunod na episode ngayong napatunayan na ang taglay ng kakayahan ni Sep (Alden) na makita ang past at future. Nagkatotoo na ang ilan sa kanyang mga pangitain kaya tiyak na malalagay din sa peligro ang kanyang buhay. Patuloy na subaybayan ang laging trending na The Gift gabi-gabi sa GMA Telebabad after Beautiful Justice.            

Read more...