Imee: OFWs sa buong Middle East tutukan; di lang sa Iran, Iraq | Bandera

Imee: OFWs sa buong Middle East tutukan; di lang sa Iran, Iraq

Liza Soriano - January 06, 2020 - 06:22 PM

HINDI  dapat ituon lamang ng gobyerno ang contingency plan nito para mailikas ang mga OFWs na nakabase sa Iran at Iraq sa sandaling lumala pa ang tensyon sa Middle East.

Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos sa harap ng banta ng Iran na gagantihan nito ang Amerika at mga kaalyado nitong bansa sa Middle East bunsod ng pagkakapatay sa top military leader nito na si Qasem Soleimani sa isinagawang US air strike noong Biyernes sa Baghdad, Iraq.

“Hindi dapat tayo nakatali lang sa kung anong magiging kalagayan ng ating mga kababayan sa Iran at Iraq lamang.  Sa anumang gagawing hakbang ng ating pamahalaan, hindi ito dapat nakasentro lang sa Iran at Iraq. Mas dapat natin bigyang pansin ang magiging kaligtasan ng milyon nating kababayang OFWs sa buong Middle East,” ani Marcos.

Mahigit sa 500,000 OFWs ang nasa Saudi Arabia habang nasa 300,000 naman ang nasa United Arab Emirates at tig-100,000 naman sa Kuwait at Qatar, base na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2018, kung kayat hindi dapat umano nakasentro lang sa Iran at Iraq ang gagawing planong paglilikas sa mga ito sa sandaling lumalala ang kaguluhan sa rehiyon.

Nasa 30,000 Pinoy workers ang nasa Israel habang tig-10,000 lamang ang nasa Iraq at Iran.

“Nakaamba ngayon ang mga retaliatory attacks sa mga lugar kung saan naroroon at malakas ang pwersa ng Estados Unidos, at ang masaklap nito, naroroon din sa mga bansang iyon ang libo-libo nating mga OFWs,” pahayag pa ni Marcos.

Ayon sa datos ng International Crisis Group at ng Federation of American Scientists, tinatayang nasa tig-13,000 US troops ang nasa Kuwait at Qatar habang 6,000 sa Iraq, 5,000 sa UAE at 3,000 sa Saudi Arabia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending