Klase sa Maynila sinuspinde sa Enero 9 para sa Traslacion

SINUSPINDE ng lokal na pamahalaan ang klase sa lahat ng antas sa Maynila sa Enero 9, Huwebes para sa Traslacion ng Itim Na Nazareno.

Sa isang post sa Facebook, idinagdag ng Manila Public Information Office na sakop ng suspensyon ang pasok sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

“The [suspension] order does not cover city government offices involved in maintaining peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction and management as well as sanitation,” sabi ng pahayag.

Idinagdag ng lokal na pamahalaan na hindi naman sakop ng suspensyon ang mga pambansang tanggapan at pribadong sektor.

Read more...