INANUNSYO ng kumpanyang Shell na magpapatupad ito ng oil price adjustment bukas.
Ayon sa Shell, tataas ng 30 sentimo ang kada litro ng kanilang kerosene o gaas habang 40 sentimo naman sa kada litro ng diesel.
Samantala, bababa naman ng 10 sentimo ang kada litro ng gasolina.
Epektibo ang oil price adjustments simula alas-6 ng umaga.
Paalala naman ng Shell, hindi pa kasama sa oil price adjustments ang mas mataas na excise tax.
Â
MOST READ
LATEST STORIES