PH nakaalerto sa harap ng misteryosong sakit mula China

PINAIGTING ng Bureau of Quarantine ang pagmomonitor sa lahat ng pantalan at airport sa bansa sa harap naman ng ulat kaugnay ng kumakalat na misteryosong sakit mula sa China, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isang pahayag, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inatasan na niya ang quarantine bureau na maging alerto sa mga dumarating na mga biyahero mula sa China, partikular ang mga nilagnat at may senyales ng respiratory infection.

Base sa ulat, sinabi ng DOH na 44 indibidwal sa China ang apektado ng outbreak ng misteryosong sakit.

Ayon sa ulat, may pagkakahawig ang sakit sa “viral pneumonia of unknown origin.”

“I urge the public, especially those with history of travel from China, to seek immediate medical consult if experiencing any flu-like symptoms” sabi ni Duque.

“Let us also embrace healthy lifestyles, practice proper hand hygiene, and observe cough etiquette to prevent transmission of respiratory infections” ayon pa kay Duque.

Read more...