OFW sa ME nanganganib

HINDI lamang ang buhay ng mga overseas Filipino workers sa Middle East ang nanganganib kundi maging ang mga seaman na sakay ng mga oil at gas tanker na dumaraan malapit sa Iran.

“Right now, hundreds of Filipino sailors on Western oil and gas tankers navigating through the Strait of Hormuz every day are already in harm’s way, given that Iran has warned of swift and severe retaliation,” ani ACTS-OFW chairman Aniceto Bertiz III.

Ang Iran ay nasa strategic posisyon umano kung ang pagbabatayan ay ang mga dinaraanan ng mga barko mula sa Persian Gulf papunta sa karagatan.

“Any eruption of open hostilities in the Middle East involving the US is bound to drag its major military allies such as Saudi Arabia and Kuwait, both of which host large numbers of Filipino workers,” dagdag pa ni Bertiz.

Ang mga OFW na nasa Middle East ay nakapagpadala ng $6.7 bilyon remittance noong 2018. Mula Enero hanggang Oktobre 2019 ay $5 bilyon ang kanilang naipadala.

Dapat na umanong maghanda ang gobyerno sa paglikas sa 1.2 milyong OFW na nasa Middle East kapag nagpatuloy ang tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Sinabi ng Trade Union Congress of the Philippines na ngayon pa lamang ay dapat gumagawa na ng plano ang Pilipinas kung kakailanganing ilikas ang mga OFW doon.

Binomba ng Amerika ang Iran at napatay ang isang opisyal ng military nito na umano’y responsible sa rocket attack na ikinasawi ng American contractor at ikinasugat ng ilan pa sa US embassy sa Baghdad.

Read more...