Resbak ni Juday sa basher na naglait sa Mindanao: Salamat, mababaw lang ako

JUDY ANN SANTOS

Pahiyang-pahiya ang basher ni Judy Ann Santos dahil sa pambabastos nito sa lead actress ng “Mindanao.”

Nag-post si Juday ng list ng additional na sinehan for “Mindanao” at dito nag-react ang male basher. Pinuna nito na hindi timabo sa takilya ang movie ni Juday.

Isang “thank you! Mababaw kasi ang kaligayahan ko” ang naging tugon ni Juday.

“You’re welcome and congratulations sa pangungulelat,” sagot ng basher.

Isang maikling “Thank you” muli ang sagot ni Juday. With that, marami ang nagtanggol sa aktres.

“San kaya humuhugot ng tapang ng apog itong si Kuyang basher??? Wala akong makitang dahilan para bastusin si Juday ng walang pakundangan.”

“Kawawa buhay nung basher. Malamang wala ng makain maka internet lang.”

“Lahat naman ng bashers inggit lang naman ang pinaghuhugutan ng mga yan tulad nyan kung maka bash kay judy ann kala mo perpek ang buhay.”

“Ireport sana ung basher. Di acceptable ang ganyan.”

“Hindi ko lubos maisip na may ganito kabastos na tao. Nakakasuka.”

“KUNG AKO KAY JUDAY NIREPLAYAN KO NA…NAHIYA NAMAN AKO SA BEST ACTRESS AWARD KO AT MAS MAYAMAN AKO KESA SAYO NAKAKAKAIN AKO NG HIGIT SA 10 BESES SA ISANG ARAW EH IKAW BASHER? NAKAPAG SAING KANA BA? CHARRRR!”

Read more...