Derek Ramsay pwedeng-pwede nang mag-propose kay Andrea Torres: Kasal sa ex-wife ‘null & void’

DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES

PWEDENG-PWEDE nang magpakasal ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Hindi totoo ang kumalat na chika na hindi pa raw maaaring pakasalan ng hunk actor si Andrea dahil sa unang kasal nito sa dating girlfriend na si Mary Christine Jolly.

Ipinagdiinan ng kampo ni Derek na “he is no longer married to anyone and his previous marriage has long been declared null and void.”

Isang netizen kasi ang nag-comment sa Instagram post ni Derek kung saan makikitang sweet na sweet sila ni Andrea. Sabi ng IG follower ng aktor, mas magiging masaya sana sila kung mapapawalang-bisa na ang kasal niya sa dating asawa.

Sagot naman sa kanya ni Derek, “I am dear.” Dito na nagsimulang uminit ang issue dahil hindi naniniwala ang ilang netizens na annulled na ang kasal ni Derek kay Mary Christine Jolly, ang nanay ng 11-year-old son niyang si Austin.

Ayon sa abogado ng Kapuso hunk na si Atty. Joji Alonso, na isa ring movie producer, matagal nang idineklarang null and void ang kasal ng aktor.

“I just wanted to clarify that when @ramsayderek07 replied ‘I am dear,’ he wasn’t referring to his state of being happy.

“He was confirming the fact that he is no longer married to anyone.

“His marriage has not been annulled. That is an incorrect term. His marriage has been declared null and void. #Peace,” lahad ng abogada na hindi na binanggit ang pangalan ng sinasabing former wife ng kanyang kliyente.

Pero open book naman ang naging kontrobersiya sa pagitan nina Derek at Mary Christine na balitang ikinasal noong April, 2002.

Read more...