Jean Garcia vs Jo Berry: magkakasubukan sa The Gift

PAINIT nang painit ang kuwento ng laging trending at pinag-uusapang Kapuso primetime series na The Gift na pinagbibidahan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Malaman na kaya ni Sep (Alden) na ang totoong ina niya ay si Nadia (Jean Garcia)? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag bumandera na ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao?

Sa teaser ng The Gift, mukhang magkakabanggaan na naman sina Nadia at Straw (Jo Berry). Sinabi na kasi ni Nadia na siya ang tunay na nanay ni Sep kay nagmakaawa ito kay Straw na tulungan siyang sabihin sa anak ang totoo.

Siguradong isang umaatikabong komprontasyon na naman ang magaganap sa mga susunod na episode ng The Gift dahil sa pagsabog ng mga itinatagong lihim nina Straw at Lola Char (Elizabeth Oropesa).

In fairness, hindi rin nagpapatalbog si Jo sa galing ng mga co-stars niya sa The Gift lalo na kapag magkaeksena na sila ni Jean. Mararamdaman mo talaga ang intense ng kanilang akting bilang mga magulang na nagmamahal sa kanilang anak.

At kung feeling n’yo ay naibigay na nina Jean at Alden ang lahat sa kanilang serye, nagkakamali kayo dahil ngayon pa lang talaga magsisimula ang kanilang kuwento bilang tunay na mag-ina.

Abangan n’yo rin ang pagresbak ni Nadia sa malupit niyang asawang si Javier (Christian Vasquez) dahil hindi na siya papayag na maging sunud-sunuran sa gusto nito.

Kaya huwag nang bibitiw sa mas tumitindi pang kuwento ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad after Beautiful Justice.

Read more...