UMABOT sa 200 toneladang basura kada araw ang nahakot sa Baguio City sa peak season ng mga turista mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 30, 2019.
Umaabot sa 170 toneladang basura ang regular na nahahakot kada araw mula sa mga residente, bagamat tumaas ito ng 30 porsiyento ngayong kapaskuhan, ayon sa Baguio public information, base sa datos mula sa general services office.
Dinadala ng Baguio government ang mga basura sa isang sanitary landfill sa Urdaneta City, Pangasinan at hiniling sa kompanya ng magsagawa ng operasyon kahit holiday para maitapon ang mga basura, ayon pa sa PIO.
Sinabi naman ng Department of Public Works and Highways na umabot sa 70,077 sasakyan ang umakyat sa Baguio mula Disyembre 21 hanggang 25.
MOST READ
LATEST STORIES