Kiray: Tomboy, bakla, babae, lalaki…deserve nating mahalin ng totoo!

 

KIRAY CELIS AT NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

HANGGANG ngayon ay wala pa ring identity o pagkakakilanlan ang sinasabing bagong boyfriend ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis.

Sa mga ipinost niyang litrato sa Instagram kung saan kasama niya ang kanyang mystery dyowa, wala man lang clue na ibinibigay ang dalaga kung sino ang lalaking nagpapaligaya ngayon sa kanya.

Sa huling IG photo na ibinahagi niya sa kanyang fans and social media followers, mukhang in love na in love nga si Kiray sa tisoy at gwapong guy na kasama niya.

Sa mahabang caption na inilagay niya sa kanilang litrato, ramdam na ramdam ng netizens ang kanyang kaligayahan dahil sa wakas daw ay nakatagpo na siya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya. Pero kung may mga kinilig sa lovelife ng komedyana, marami rin ang nagbigay ng warning sa kanya na mag-ingat at huwag nang magpapaloko sa lalaki.

Narito ang kabuuang mensahe ni Kiray, “Simula ng makilala ka, nagbago ang pananaw at saya.

“Pwede palang matulog na panatag at hindi mabigat ang puso. Pwede palang gumising na alam mong hindi ka niloloko at alam mong sayo lang yung taong mahal mo.

“Dahil alam mo sa sarili mo kung paano ka magmahal. Na yung nabibigay mo, naibabalik rin sayo ng walang effort at may kusa kasi deserve mo.

“Ganito pala magmahal. Ang sarap magmahal ng tamang tao. Proud sayo. Mahal ng pamilya mo. Taong marespeto at gagawin ang lahat mapasaya ka lang ng todo.

“Madalas kaya dumadating at umaalis yung mga taong hindi para satin para matuto tayo. Para pag dumating yung tama, mas malakas na tayo. Para mas matapang na tayo.

“Kaya wag ka titigil magmahal. Maloloka ka, masasaktan, madadapa pero darating yung taong aakayin ka paakyat, ipaparamdam sayo yung worth mo. At unang iiyak pag may narinig na hindi maganda tungkol sayo. At ipaglalaban at ipagtatanggol ka sa kahit na sino.

“Tomboy, bakla, babae man o lalaki, deserve natin mahalin ng totoo. Deserve natin mahalin ng tayo lang. deserve natin irespeto. Deserve natin sumaya. DESERVE NATIN NG KAGAYA NILA!”

Narito naman ang ilang comments ng kanyang IG followers.

Komento ni @jessadelacruz08, “Thank you so much for this @kiraycelis napakasakit ng iwanan ka ng tao akala siya na ang makakasama mo habang buhay,may time na gusto ko tapusin na buhay ko kasi nawawalan na ako ng pag asa sa buhay every night wala ako ginawa kung hindi umiyak araw araw nagdadasal ako na sana maging maligaya ulit ako.”

Ito naman ang sey ni @millankaren1987, “Girl wag mo muna isuko ang iyong bataan. Di pa tayo sigurado jan. Hahahaha!”

“Sa yo lang ako nagbasa ng caption na mahaba, may BUNGA kasi eh. Happy for you miss @kiraycelis HAPPY NEW YEAR! Inspired ako sa caption mo. Yeah maybe MR RIGHT MAN yet not come para sa akin,” comment ni @unique_inside.

Mahabang aria naman ni @jenvpanda, “Lahat ginawa ko. Nagsisi ako pero dahil merong ikaw saming mga fans mo sobrang saya ko nabuhayan ako. Para sayo talaga yan magtuloy tuloy ang blessings. Sa lahat ng iniwan bangon mapalad pa din tyo dahil my Diyos na nakamatyag satin lahat. Mahalin ang sarili at mas lalong mahalin ang Panginoon. Kaya sayo bebe @kiraycelis magsaya at magtagumpay kapa lalo.”

Read more...