Kung may isang bagay na natutunan si Bea Alonzo sa kanyang buhay nitong nagdaang 2019, ‘yan ay walang iba kundi ang pagmamahal sa sarili.
Ayon sa Kapamilya actress, sa lahat ng pinagdaanan niyang pagsubok last year, nakaya niyang bumangon muli at maging masaya.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinaalala ni Bea sa madlang pipol ang kahalagahan ng “self love”. Dito inamin niya na ang pakikipagrelasyon niya sa ibang tao ngayong Bagong Taon ay siguradong magbabago rin.
“As I began to love myself, my relationship with everyone changed. Them not loving you does not mean you are unlovable. It does not mean you can never be loved or you are unloved. Repeat this to yourself when you need it most,” mensahe ni Bea na aminadong maraming natutunan sa break-up nila ni Gerald Anderson.