James ayaw makatambal si Nancy ng Momoland; si Nadine pa rin ang gustong ka-loveteam | Bandera

James ayaw makatambal si Nancy ng Momoland; si Nadine pa rin ang gustong ka-loveteam

Reggee Bonoan |January 03,2020
facebook
share this

James ayaw makatambal si Nancy ng Momoland; si Nadine pa rin ang gustong ka-loveteam

Reggee Bonoan - January 03, 2020 - 12:05 AM

JAMES REID AT NANCY MCDONIE

“MAY inaayos lang, pero hindi sila hiwalay.”

Ito ang sabi ng isang taong malapit kay Nadine Lustre tungkol sa napabalitang hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si James Reid.

Nabanggit pa ng aming kausap na sobrang in-love pa rin ang JaDine sa isa’t isa kaya imposibleng maghiwalay ang dalawa. Naniniwala siya na maaayos pa rin ng magkasintahan ang kanilang problema.

Pumutok nitong pagpasok ng 2020 ang balita na hiwalay na sina James at Nadine dahil umalis na ng bahay ng aktor ang aktres dala ang mga gamit nito.

May pinagbasehan naman ang ilang nagsulat na break na nga ang dalawa dahil na rin sa mga cryptic post ni Nadine sa kanyang Instagram account. Isa na rito ang litratong naka-bikini ang dalaga na may caption na, “I can’t be who you want.” Idagdag pa ang isa pang IG photo kung saan makikita ang apat na taong nasa beach at may mensaheng, “No questions, just go with it.”

At ang pinakahuli nga ay ang silhouette picture na overlooking ang buong siyudad, “For good reason, lost of all my love.”

Nakausap naman ni TV Patrol correspondent MJ Felipe si James na isa sa performers sa ginanap na ABS-CBN countdown for 2020 sa Eastwood City. Tinanong niya ang aktor kung saan sila magse-celebrate ni Nadine ng New Year’s Eve.

Nabanggit ng aktor na may lakad sila ni Nadine at ito nga ang ipinost ni MJ sa kanyang Twitter, “When asked where to after, James said their group is having a celebration to welcome the new year together with his girlfriend Nadine Lustre, somewhere in Rockwell Makati.”

Nag-post din ang ilang supporters ng JaDine ng mga litrato kung saan magkasamang sinalubong ng kanilang mga idolo ang New Year’s Eve kasama ang mga kaibigan.

Anyway, sa sinabi ng aming source na may inaayos ang magkarelasyon, may feeling kami na baka connected ito sa teleseryeng ayaw nang gawin ni James kasama ang K-Pop idol na si Nancy McDonie na miyembro ng Momoland.

Kuwento sa amin, “Ayaw ni James gawin ang serye kung hindi rin lang si Nadine ang partner niya. ‘Yung pagpunta niya sa storycon ng ‘Soulmate’, akala niya meeting lang, pag-uusapan ang next TV project niya, hindi niya alam na plantsado na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na talent ng Viva Artist Agency si James kaya puwede na siyang magdesisyon para sa career niya, samantalang si Nadine ay nananatiling talent ng VAA.
Hindi kaya may plano na rin si Nadine na iwan ang Viva nang dahil kay James? Dahil nga ayaw mag-work ng aktor na hindi ang girlfriend ang kasama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending