Dobleng bayad ngayong Bagong Taon

ANG mga manggagawa na magtatrabaho sa Enero 1 (Bagong Taon), isang regular holiday, ay dapat makatanggap ng dobleng bayad ng kanilang regular na arawang sahod, paalala ng labor department sa mga employer.
Ito ay nakasaad sa Labor Advisory No. 13, series of 2019, upang gabayan ang mga employer sa tamang pagbabayad ng sahod para sa regular at special (non-working) days para sa taong 2020.
Ang advisory ay alinsunod sa Proclamation No. 845 na inisyu ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na nilagdaan ni Presidente Rodrigo Duterte noong Nobyembre 15, 2019.
Ang mga empleyado na nagtatrabo nito lamang Enero 1 ay dapat bayaran ng 200 porsiyento ng kanilang sahod para sa unang walong oras [(arawang sahod + COLA) x 200%]; samantalang ang mga empleyado na hindi magtatrabaho ay dapat bayaran ng 100 porsiyento ng kanilang sahod para sa nasabing araw [(arawang sahod + COLA) x 100%].
Para sa mga empleyado na magtatrabaho ng higit sa walong oras (overtime), dapat silang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang orasang sahod sa nasabing araw [Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x bilang ng oras na trinabaho].
Samantala, ang mga empleyado na magtatrabaho sa regular holiday at ito rin ang araw ng kanilang pahinga ay dapat bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang arawang sahod ng 200 porsiyento [(arawang sahod + COLA) x 200%] + [30% (arawang sahod x 200%)].
Panghuli, ang empleyado na magtatrabaho ng mahigit sa walong oras (overtime) sa regular holiday at ito rin ay araw ng kanilang pahinga ay dapat bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang orasang sahod sa nasabing araw [Orasang sahod ng arawang kita x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho].
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Read more...