BAKIT nga ba sa ibang bansa, partikular na sa Estados Unidos ay hindi basta-basta ang pagkuha ng student permit para makapag-aral kang mag-drive at sa kinalaunan ay magkaroon ng lisensiya? Mahaba at masalimuot ang proseso ng pagkuha ng student permit.
Dito ko naisip kung bakit sa ibang bansa ay may disiplina ang mga driver at sa atin ay wala. Kung bakit doon ay parang halos lahat ng driver ay alam ang patakaran sa kalye pero sa atin ay mangmang halos lahat, pati mga tinatawag na educated and professionals.
Iba’t ibang paraan, pero ang requirements ay pareho kada State sa Amerika pag kukuha ng drivers license. Kahit meron ka nang driver’s license galing ibang bansa, pag US drivers license ang kukunin mo for the first time, dadaan ka sa parehong proseso.
Sisimulan nila ito sa “classroom education” na kailangan mong bunuin ng 30-hours. Opo, hindi po basta natuto kang magpatakbo ng kotse ay okay ka na, kailangan mo mag-aral ng walong oras sa loob ng apat na araw tungkol sa driving rules, road rules, traffic and parking rules, freeway driving rules at marami pang ibang rules bago ka bigyan ng tinatawag na learners permit kung ikaw ay 15-18 years old, o drivers test permit kung ikaw ay 18 or above.
Pagkatapos ng 30-oras na classroom education, ang 15-18 years old ay kukuha ng test bago makakuha ng learner’s permit. Kailangan nilang mag-aral ng 50-hours continuous driving experience na naka-log sa isang DMV (Department of Motor Vehicle) application sa mobile phone tuwing magmamaneho sila. Kailangan may kasama silang above 21 adult din palagi.
Pagkatapos nito ay kinakailangan muling sumailalim sa written test ang lahat ng nag-a-apply ng drivers license, bata man o matanda. May 100 questions ang test at 3-mistakes lamang ang ibibigay sa iyo. Pag bagsak ka, puwede umulit pero bayad ka ulit ng fee.
Matapos ang written ay ang practical driving test. Sa Nevada (o kahit saan sa Amerika), kailangan kotse mo o ng pamilya mo ang dadalhin sa driving test. Ang dahilan? Bakit ka kukuha ng drivers license kung wala kang imamanehong kotse. Sa US sasakay ang mag-te-test sa iyo. Isang pagkakamali mo at uwian na agad, walang excuse, bagsak ka at ulit ka.
Kung dadaanan mo ng minsanan ang lahat ng prosesong ito ay gugugol ka ng may 2-months ng buhay mo para makakuha ng drivers license. Gagastos ka din ng aabot sa $850. Pagkatapos nito ay may buwanang gastos ka ng insurance mo na mga $30/month.
***
Kung mayroon po kayong komento o suhestiyon, sumulat lang po sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.
Tamang pagkuha ng driver’s license
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...