P4.1T budget pipirmahan ni Duterte sa Lunes

SA Lunes pipirmahan ni Pangulong Duterte ang P4.1 trilyong budget ngayong taon.

Inamin ni House committee on appropriations chairman Isidro Ungab na wala itong ideya kung anong probisyon ng budget na inaprubahan ng Kongreso ang ibi-veto ng Pangulo.

Nagpasabi na umano ang Presidential Legislative Liaison Office sa mga miyembro ng Kamara de Representantes kaugnay ng pagpirma sa budget alas-4 ng hapon sa Lunes. Gaganapin ito sa Rizal Hall ng Malacañang Palace.

Read more...