Misis pinatay, mister nagsaksak

NASAWI ang isang ginang matapos saksakin ng kanyang mister, sa Burdeos, Quezon, Miyerkules ng gabi.

Nasa pagamutan naman ang suspek dahil nagsaksak din sa sarili matapos ang insidente, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Agad ikinasawi ni Rosalie Avenilla, 46, ang tinamong saksak ng itak sa likod.

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang mister niyang si Rodsel, 48, pero dahil sinaksak din nito ang sarili ay kinailangang dalhin sa pagamutan.

Naganap ang insidente dakong alas-9:30, sa bahay ng mag-asawa sa Abakahan, Sitio Bucal, Brgy. Poblacion.

Nagtalo umano ang mag-asawa kaya kumuha ng itak si Rodsel.

Nang makita ito’y nanakbo ang babae pero hinabol niya at nasaksak sa likod ng mister, ayon sa pulisya.

Read more...