Bus vs. trike: 3 patay, 4 sugatan

TATLO katao na pawang magkakaanak ang nasawi at di bababa sa apat pa ang nasugatan nang masalpok ng pampasaherong bus ang isang tricycle, sa Candelaria, Quezon, Miyerkules ng gabi.

Dead on arrival sa ospital ang tricycle driver na si Wilson Garma, 29; at mga sakay niyang sina Cristito Garma, 60, at Althea Garma, 5, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Sugatan naman ang iba pang sakay ng tricycle na sina Corazon Garma, 53; Florylane Garma, 31; Ashley Dianne Garma, 10; at Jhon Wine Garma, 4.

Naganap ang insidente dakong alas-6, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Bukal Sur.

Minamaneho ni Dario Aliocod, 57, ang LLI bus patungong timog, nang masalpok ang kasalubong na tricycle.

Nakaditine sa lokal na istasyon ng pulisya ang bus driver habang hinahandaan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injuries, and damage to property.

Read more...