PITO ang patay matapos na dalawang beses na mabangga ang isang pampasaherong jeepney sa Pampanga sa pagdiriwang ng Bagong Taon nitong Miyerkules.
Sa ulat mula kay Pampanga police chief Col. Jean Fajardo, sinabi niya na binabagtas ng jeepney na minamaneho ni Hernando Dela Rosa Jr. ang JASA road sa Barangay San Agustin, Lubao nang mabangga ito ng isang Nissan Navarra pick-up truck hit ganap na alas-6 ng gabi kahapon.
Matapos na mabangga ng pick-up truck, nawalan ng kontrol ang jeepney at nag-swerve sa kabilang linya ng kalsada dahilan para ito mabangga ng paparating na Isuzu dropside truck.
Sinabi ng pulisya na dinala ang 22 pasahero ng jeepney sa ospital kung saan nasawi ang pito sa mga ito habang ginagamot.
Idinagdag ni Fajardo na nasa kustodiya na ng Lubao police ang driver ng Nisssan pick-up na si Alexander Domingo at Celso Sarmiento, driver ng Isuzu truck.
“Sarmiento and Domingo will be facing charges of multiple homicide, physical injuries and damage to property,” sabi ni Fajardo.