NAKANSELA ang iskedyul ni Pangulong Duterte ngayong araw dahil hindi maganda ang kanyang pakiramdam, ayon sa Palasyo.
Tiniyak naman ni Presidential Spaokesperson at Chief Presidential legal Counsel Salvador Panelo na wala namang dapat ikabahala sa kalusugan ni Duterte.
“Masama lang siguro pakiramdam. Ordinary naman iyon, kahit ako masama ang pakiramdam ko ngayon. Pag kulang ang tulog mo, ‘di ba natural lang iyon, but after that tomorrow okay na naman iyon,” sabi ni Panelo.
Nakatakda sanang bisitahin ni Duterte ang mga nasalanta ng lindol sa Davao del Sur.
Idinagdag ni Panelo na naging abala pa rin si Duterte sa mga nakalipas na mga araw habang nasa Davao City.
“He attended the Rizal tribute, pumunta siya doon sa mga cancer victims, binisita niya iyong ibang earthquake victims, namigay siya ng mga tseke, marami rin siyang ginawa eh,” dagdag ni Panelo.
“Ano lang iyon, ordinary masamang pakiramdam ng isang 74 year old,” ayon pa kay Panelo.